Almost 1 month akong naging inactive :3


Posted on January/26/2012 with 3 notes
Tagged as:rants,


“Bakit ba trip nila kong kuning Bassist?”

Tss. May kumukuha na naman kasi sa aking bassist kaso tinanggihan ko. May mga banda na kasi ako . E, Mahirap pagsabay-sabayin lalo’t magkakagig na kami sa February. 

Di lang pati ako makakapagconcentrate dahil mahihiya lang ako :D


Posted on January/26/2012 with 3 notes
Tagged as:Music101,Random,


ALIPIN NG EMOSYON..

‘Yan ang tawag sa’yo kung KONTROLADO ka ng emosyon mo. Baligtad noh. Imbes na ikaw yung nagkokontrol sa emosyon mo, IKAW ANG KINOKONTROL nito.



Happiness is a choice..

Isa yan sa mga pananaw ko sa buhay. Nga pala, ang ganitong pananaw ay hindi makakatagal sa mga taong nagpapaalipin sa kanilang emosyon..

Choice naman talaga natin kung magiging masaya tayo o hindi. Gaano man kamiserable ang buhay mo , na sa’yo kung ngingiti ka o hindi , na sa’yo kung magpapaapekto ka o sosolusyunan mo ito. Walang masama sa kasiyahan. Wala din namang masama sa pansamantalang kalungkutan. Pero ang ‘di maganda ay ang pagpili na ang buhay mo ay maging MISERABLE.

Just like for example, SIMPLENG halimbawa lang naman ito. “Sumapit ang umaga at napakadaming bagay ang maaring makapagpainit ng ulo mo. Na-late ka sa klase. ‘Di ka binigyan ng pera. Nagalit mama mo sa’yo. Natapunan ng kape ang uniform.” Ngayon may 2 kang choice :

a. ) Maiinis ka sa mga nangyari. Magagalit ka. Hanggang sa madamay ang mga tao sa paligid mo at lalong masira ang ARAW mo.

b. ) Ngingiti ka na lang at sosolusyunan mo nalang ang mga di kanais-nais na nangyari sa’yo. At nang sa gayon, magiging matino pa ang araw mo.

So, mamili ka A or B. Sa pagpili mo ay may nakaakibat na mangyayari. Sabi nga nila, : “FOR EVERY CHOICE, THERE’S A CONSEQUENCES BEHIND IT” 

S’yempre ako B nalang. Gaano man ang inis ko. Pipiliin ko na lamang ngumiti.Mas maganda ang Consequences nu’n eh.  Wala naman kasing mangyayari kung maiinis lang ako. Masisira lang pati ang araw ko. Sabi ko nga ‘di tatalab ito sa mga taong alipin ng kanilang emosyon. Kung alipin ka ng emosyon mo, pipiliin mo ang A, diba nga ALIPIN ka kaya magpapakontrol ka sa emosyon mo.



2012 na pala..

Happy New Year, Guys. :D


Posted on January/1/2012 with 10 notes
Tagged as:random,




jasminfullbuster asked: ate! ang astig niyo po talaga \m/

Haha. Ows bakit naman? Advance Happy New Year nga pala. :) 



Trip kong magfollow ngayon. Gusto ko yung mga personal post , hindi panay REBLOGS. O kaya yung mga bloggers na ngkwekwento tungkol sa buhay nila. Nakakatuwa kasi eh. Parang kahit hindi kayo magkakakilala in reality , you’ll still get to know their story.

Okay, Maumpisahan na :)



Kumain ng CAKE..

‘Yan ang ginawa ko kaninang Noche Buena. HAHAHA. Ayos na rin ‘yun. Wala kasi talaga akong balak magcelebrate :)



“Uy.. Merry Christmas..”

Ordinaryo man sa akin ang pasko, Natutuwa rin naman ako t’wing may nakakaalalang bumati sa akin. HAHAHA, Dami kasing bumati sa akin eh simula pa kaninang 12am. Siguro sapat na rin yung isang magandang alaala ko sa PASKO ngayon.





4real Theme By: ©YaniLavigne Best Viewed: Mozilla Firefox 1027x750